Alamat ni Maria Blanca: Mga Gabay sa Layunin

Ang pahinang ito ay tungkol sa larong Adarna: Alamat ni Maria Blanca. Para sa mga taong ninanais na kumpletuhin ang mga gawain, narito ang gabay. Kung medyo mahirap kalabanin ang iba sa mga malalakas na maligno, maaari ding abangan ang mga naglalako ng mga librong pampalakas sa iba’t ibang mapa. Bihira nga lamang sila magpakita, kaya’t maaari nyo rin balik balikan ang mga mapa kung san sila matatagpuan.

(This page is about the game Adarna: The Legend of Maria Blanca. For those who want to complete the side missions, here is the guide. If you’re having difficulty battling the stronger bosses, you may want to keep an eye out on merchants who sell books that increase your stats. They can be rare, but they may appear whenever you re-enter some maps.)

Pamagat ng Gawain Ang Beterano
Paglalarawan Isang beteranong kawal ang nagugutom at kulang ang kanyang salapi upang bumili ng pagkain.
Hakbang Magbigay ng tatlong pandesal.
Pabuya Tansong Kwintas x1
Kinalalagyan Bayan ng Reinos de los Kristales

 

Pamagat ng Gawain Ang Liham
Paglalarawan Tulungan si Jose na ipagtapat kay Clara ang kanyang nararamdaman.
Hakbang Ibigay kay Clara ang liham ni Jose.
Ibigay kay Jose ang sagot na liham ni Clara.
Pabuya Inihaw na Bangus x2
Kristal x250
Kinalalagyan Bayan ng Reinos de los Kristales

adarna2_guide_kristales

Pamagat ng Gawain Paglikom ng Lunas
Paglalarawan Tulungan ang isang matandang babae na gumawa ng makapangyarihang lunas.
Hakbang Hanapin ang pulang damong gamot.
Dalhin ito sa matandang babae
Pabuya Gamot ng Babaylan x1
Kristal x300
Kinalalagyan Bayan ng Reinos de los Kristales

 

Pamagat ng Gawain Regalo sa Sinisinta
Paglalarawan Kunin ang perlas na kwintas mula sa asul na tikbalang.
Hakbang Talunin ang asul na tikbalang sa kaparangan.
Ibalik ang perlas na kwintas sa binata ng Munting Bayan.
Pabuya Kristal x800
Karanasan x175
Kinalalagyan Munting Bayan

adarna2_guide_muntingbayan

Pamagat ng Gawain Gamit ng Kawal
Paglalarawan Nawawala sa Munting Bayan ang mga parteng gagamitin ng isang kawal sa paggawa ng kanyang sandata.
Hakbang Hanapin ang mga nawawalang parte.
Pabuya Pulseras na Pilak x1
Karanasan x200
Kinalalagyan Munting Bayan

 

Pamagat ng Gawain Tigang na Pag-asa
Paglalarawan Ibalik ang binata sa Munting Bayan.
Hakbang Hanapin ang binata sa kaparangan
Balikan ang dalaga sa Munting Bayan
Pabuya Kristal x1000
  Karanasan x225
Kinalalagyan Munting Bayan

adarna2_guide_kwebaunido

Pamagat ng Gawain Kapuspalad
Paglalarawan Naghihirap at tila wala nang makain ang pamilya ng isang matandang lalaki, nangako ka na dadalhan mo sila ng pagkain.
Hakbang Magbigay ng apat na adobo sa matandang lalaki.
Pabuya Regalo ng Kalikasan x1
Karanasan x250
Kinalalagyan Kaharian ng Kweba Unido

 

Pamagat ng Gawain Ang Alahas
Paglalarawan Tulungan ang matandang babae na hanapin ang kanyang alahas.
Hakbang Hanapin ang nawawalang alahas sa loob ng kuweba at ibalik ito sa matandang babae.
Pabuya Kristal x1200
Karanasan x275
Kinalalagyan Kaharian ng Kweba Unido

 

Pamagat ng Gawain Ang Mahika
Paglalarawan Maraming manlalakbay ang nabibiktima ng mapanlitong mahika ng dwende.
Hakbang Magdala ng limang salakot ng duwende bilang patunay
Dalhin ito sa manlalakbay.
Pabuya Milagrosong Tubig x5
Kristal x1000
Karanasan x300
Kinalalagyan Kaharian ng Kweba Unido

Mga Pinakamalakas na Kakayahan

Matapos mong makuha ang Ibong Adarna na maging miyembro ng iyong pangkat, maaari mo nang gamitin ang kakayahang “Paglalakbay” upang muling mabisita ang mga nayong iyong napagdaanan na. Magkakaroon ng mga panibagong gawain sa iyong pagbabalik.

adarna2_guide_tagabantay3

Pamagat ng Gawain Ang Mahiwagang Nilalang 1
Paglalarawan Makinig! Nasa Bundok ng Armenya ang isa sa kanila. Patungkol sa mga pangkat-etniko ng Luzon ang kanyang mga katanungan. Ginto o dilaw ang kulay ng kanyang liwanag.
Hakbang Hanapin ang mahiwagang nilalang sa Bundok ng Armenya.
Pabuya Gabaa x1
Karanasan X1000
Kinalalagyan Kaharian ng Kweba Unido
Matatagpuan ang nilalang sa Kanluran ng kuta ng Ermitanyo

adarna2_guide_tagabantay2

Pamagat ng Gawain Ang Mahiwagang Nilalang 2
Paglalarawan Makinig! Nasa Kagubatan ng Armenya ang isa sa kanila. Patungkol sa mga pangkat-etniko ng Visayas ang kanyang mga katanungan. Ginto o dilaw ang kulay ng kanyang liwanag.
Hakbang Hanapin ang mahiwagang nilalang sa Kagubatan ng Armenya.
Pabuya Bulalakaw x1
Karanasan X1000
Kinalalagyan Munting Bayan
Matatagpuan ang nilalang sa Timog ng Balon papuntang Armenya at Berbanya.

adarna2_guide_tagabantay1

Pamagat ng Gawain Ang Mahiwagang Nilalang 3
Paglalarawan Makinig! Nasa Kapatagan ang isa sa kanila. Patungkol sa mga pangkat-etniko ng Mindanao ang kanyang mga katanungan. Ginto o dilaw ang kulay ng kanyang liwanag.
Hakbang Hanapin ang mahiwagang nilalang sa Kapatagan.
Pabuya Derobio x1
Karanasan X1000
Kinalalagyan Bayan ng Reinos de los Kristales
Matatagpuan ang nilalang sa Timog ng Reinos de los Kristales.

 

Mark Detroit Tañeca

Look! It's a state! No? It's a basketball team! No? Yeah I know, my name is somewhat unique. They call me Detroit or simply Troit for short and nope! I don't play basketball or a fan of it. I am currently studying at Asia Pacific College and I love making games since I was a child and I also love sketching, crafting, everything about arts.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.